Cool Stuff at BlingJam.com

Saturday, June 04, 2005

"..diyosah admit it they look good together.." -posh

naglalakad kasabay ng hangin at hindi alam kung saan ako dadalhin. sinusundan ko lang ang iyong tinig at sana pakinggan ang ating himig. ako'y nagpahinga sa ilalim ng punong mangga umaasang nandiyan ka na pag gising. ako'y nananabik sa iyong mga ngiti at sana ikaw ay magbalik.
dapithapon na hindi ka pa rin nakikita at kahit abutin man ng umaga ako'y maghihintay pa rin sa iyong pagdating dito sa lilim.
ako'y nandirito parin sa dating tagpuan natin hanap hanap ko ang iyong lambing hagkan hagkan ko mga alaala mo dito sa pugad ng puso ko. nyaaah kailan kaya kita makikita? habang buhay nalang tulala, siguro talagang ganyan parati ka nalang iniiwan kahit ayaw mong magpaalam.
dapithapon na hindi ka pa rin nakikita at kahit abutin man ng umaga ako'y maghihintay pa rin sa iyong pagdating dito sa lilim.
ako'y nalilito. nagiisa pa rin. naghihintay. nagaabang sa tagpuan natin hagkan hagkan ko alaala mo.
mahal kita

0 Comments:

Post a Comment

<< Home