Cool Stuff at BlingJam.com

Friday, December 09, 2005

habibi doesn't want to take a bath (let's speak in tagalog)

hindi ako makatulog ng mas maaga pa sa alas-dose ng gabi. insomniac ako. halos lahat ng pasirkosirkong galaw ay nagawa ko na sa kama. walang umepekto. lahat ay tila kapeng pampagising lang ng ulirat ko. hindi ako makatulog dahil sa'yo. isa kang magnet sa utak na ang hatak ay isang dambuhalang ilusyon, pananabik at minsan pagnanasa. at bawat gabi, ibang eksena; bawat galaw,ibang espasyo ang saklaw. simula ng makilala kita isang taon na ang naakraraan(nyah tama ba?!), walang isang gabing hindi ko nakita ang iyong karangyaan at kagandahan.
naging tagapagtaggol kita sa mga malalabnaw nating kaklase nung first year college. naging saksi ka sa lahat ng ups and downs ko at kaakibat sa lahat ng tagumpay ko. bilib nga ako sa'yo, sa ugali mong 'yan kaya marami akong kilalang gusto ka.
kaya lang bakit ganoon?sabi nila marami ka ring amats, at minsan daw maangas ka rin. marami ka rin raw alam na kabulastugan. nag-iiba ka raw ng anyo -minsan mabisyo,minsan mala anghel. anak ng pating. hindi ka pala perpekto gaya ng pagkakaalam ko. may pagkabulok ka rin daw at mapangkutya. minsan hindi ka rin accomodating. mabilis daw magbago ang mga desisyon mo,papalitpalit ang utak mo.
ganunpaman, kahit ani pang paninira ang sabihin nila tungkot sa'yo nandito ako. andito lang ako sa likod mo. susuporta sa lahat ng tamang desisyon mo at aawayin ang taliwas mong ideolohiya sa buhay. nagclick tayo dahil sa ganyang porma ng relasyon.musika at pagkakaibigan.
pero ang pinakagusto ko sa'yo ay may sarili kang mundo gaya ko. sariling mundo kung saan tayong dalawa lang ang namumuhay doon at humahabi ng isang pangarap at kinabukasan. sariling mundong labasan ng sama ng loob at mundo na may malaki pang espasyong naghihintay punuan ng iba.
at nang nadaanan ka kamakailan,buti at nakatakbo ako,nangilid ang luha sa mga mata ko

1 Comments:

Anonymous Anonymous said...

anak ng kalabaw. ang lalim ng tagalog mo. hindi marunong ha??? sapakin kaya kita!!

muka susunod ako sa yapak mo auntie.

gudmorning! hindi ako pumasok.

bkit? ampangit ng gising ko. wala akong gana makita. kelangan tumakbo.

gudnyt na ulit.

sige natutuwa ako bsahin blog mo.. napapaisip ako.

rrrrrrrrrrrrrrr.

7:35 PM  

Post a Comment

<< Home